Sound Transit 2023 Planong Serbisyo

Nais naming makuha ang inyong feedback o masasabi sa aming 2023 Service Plan!

sound transit

2023 Planong Serbisyo

English | Español | Русский | 简化字 | 正體字/繁體字 | 한국인 | Tiếng Việt
  • Welcome
  • 2023 Planong Serbisyo

Welcome

Ano ang taunang Service Plan?

Tinatasa ng Sound Transit ang kanilang serbisyo taon-taon, at kami ay nagmumungkahi ng mga pagbabago para mapahusay ang performance, tumalima sa kalakaran ng mga mananakay at gamitin ng lubos ang ating yaman.

Sa nakaraang taong Service Plan kami ay nagmungkahi at nag apruba ng pagdaragdag ng serbisyo sa mga pangunahing ruta, subalit dahil sa mapilit na hamon na pandemiya at kakulangan ng operator ay nag antala sa mga improvement. Sa katotohanan , ang kakulangan ng mga operator sa mga nakaraang taon ang pangmadaliang pagbabawas ng serbisyo ay kinailangan sa ilan- ilang mga ruta, kasama na ang mga lugar na pinlano naming dagdagan ng serbisyo.

Hangarin pa rin namin magdulot ng mga improvement o pagpapahusay na ibinalangkas sa nakaraang taon na Service Plan. Habang kami ay nagpapatuloy sa aming paglalayag sa malawak na hamon sa paghahanap ng mga magtatrabaho, ganunpaman, kami ay nire-require o kinakailangan bilang bahagi ng na ating 2023 Planong Serbisyo upang gawing pormal o opisyal ang mga kasalukuyang antas ng serbisyo hanggang sa humusay na ang availability o pagkakaroon na ng operator.

Sa pagsali sa ating 2023 Service Plan Survey, matutulungan mo kami na matiyak na tayo ay handa na ibalik ang dating kalagayan at mapahusay ang serbisyo kaagad.

2023  Service Plan na inimumungkahi at Survey

Full map of proposed Sound Transit service changes.
Tignan ang aming kasalukuyang mapa sa serbisyo

Kakulangan ng manggagawa na nakakaapekto sa ating mga ruta

Ang mga sumusunod na ruta ay kasalukuyang tumatakbo ng may katamtaman hanggang matinding pagbabawas ng serbisyo dahil sa kakulangan ng mga operator. Ang Sound transit ay inuutusan na gawing opisyal ang mga level na ito sa aming 2023 Planong Serbisyo, hanggang gumanda ang kahandaan sa operator.

Ang pagpapabawang mga pagsisikap ang nagawa na namin sa ngayon

Ang pagbibigay sa mga mananakay ng mabuting serbisyo na mapaghuhulaan sa gitna ng tuluy tuloy na kakulangan ng operator, nagsagawa kami ng biglaang pagbabawas ng serbisyo noong Nobyembre 2021 sa Pierce Transit na nagpapatakbo ng rutang ST Express.

Ang mga pagbabawas ay sinundan ng kaparehong pagbabawas sa mga ST Express route na pinapatakbo ng Community Transit at King County Metro nung spring o tagsibol 2022.

Kami ay nagtatrabaho ng mabuti kasama ang mga partner na mga ahensya upang mapagaan ang mga epekto sa pamamagitan ng pagaayos ng serbiyo sa pinagsasaluhang daanan sa pagitan ng mga ahensiyang transit. Inilipat namin ang operasyon ng ruta 566 mula Perce Transit sa King County Metro upang maiwasan pa ang pagbabawas. Naibalik na rin namin sa dating kalagayan ang mga ilan-ilang biyahe ng Sounder train sa S Line ng mas maaga kaysa sa orihinal na pinlano para makapagbigay ng mga karagdagang mapagpipilihan o opsyon.

Sa ngayon, ang mga partner namin sa operasyon ay nagtatrabaho nang husto para maka recruit at magsanay ng mga bagong driver. Magpapatuloy kami sa pagtatasa ang antas ng mga kawani at ibalik sa dating kalagayan ang mga serbisyo dawalang beses sa isang taon ( sa pamamagitan ng aming taunang Marso at Setyembre na pagbabago sa serbisyo) sa loob ng mga sumusunod na ilang taon.

Kapag mapapanatili na naman natin ang kasalukuyang mga level ng serbisyo na puwedeng maasahan at walang kanselasyon, kami ay magsisimula ng magdagdag ng serbisyo.

Mga kasalukuyang ruta na may pagbabawas sa kalimitan

Ang Ruta 566 (Auburn/Kent – Redmond Tech)

Ang Ruta 566 (Auburn/Kent – Redmond Tech) – kasalukuyang tumatakbo kada 20-40 minuto sa mga oras at direksiyon na abala o peak (Pa-norte sa umaga, pa-timog o South sa gabi o hapon) primero na itiniyempo sa mga Sounder train sa Kent.

A satellite map showing Route 566 bus services from the Sound Transit Auburn and Kent Station to Redmond Tech.
Ang mapa ng satellite na nagpapakita ng mga serbisyo ng bus na may Rutang 566 mula sa estasyon ng Sound Transit Auburn at Kent Station patungong Redmond Tech.

Ang isang talaan na nagpapakita ng mga peak hours sa mga pangkaraniwang araw (6-9 ng umaga at 3 – 7 ng gabi) sa inaprubahan at antas na tinatarget na serbisyo para sa Route 566 sa pagitan ng Auburn at Redmond na 20 minuto ang kaibahan sa kasalukuyang level ng serbisyo ng kahandaan ng operator ng 20-40 minuto.

Ang Ruta 566
(Auburn/Kent – Redmond Tech)

Inaprubahan at target sa level ng serbisyo para sa 577 at 578 sa pagitan ng Federal Way at Seattle Kasalukuyang mga level hanggang sa may kahandaan sa operator ay humusay
Mga pangkaraniwang araw (Weekdays
Peak na oras (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi) 20 minuto 20-40 minuto

Ang isang talaan na ikinukumpara ang kasalukuyang level ng serbisyo at kahandaan ng operator at inaprubahang target na antas ng serbisyo para sa Ruta 566.

Ruta 577 (Federal Way – Seattle)

Ruta 577 (Federal Way – Seattle) – kasalukuyang nag o operate kada 10 minuto sa mga peak o abalang mga oras

A satellite map showing Route 577 bus services from Federal Way Transit Center to Downtown Seattle.
Ang mapa ng satellite na nagpapakita sa mga serbisyo ng Route 577 mula sa Federal Way Transit Center papuntang Downtown Seattle.

Ang talaan na nagpapakita ng inaprubahang target na level ng serbisyo para sa Route 577 at Route 578 sa mga oras na peak sa mga pangkaraniwang araw (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi ) na 6-8 minuto, habang sa kalagitnaan ng araw (9-3 ng hapon) na magiging 15minuto, mga gabi (7 p.m. – 10 p.m. ) na 30minuto at Sabado/Linggo na 15minuto. Ang talaan ay nagpapakita din ng kasalukuyang antas ng serbisyo sa kahandaan ng operator sa mga peak na oras (10-12 minuto), sa kalagitnaan ng araw (30minuto), sa gabi 30-60 minuto, sa huling bahagi ng gabi( 30-60minuto), at tuwing Sabado/Linggo (30-60minuto.)

Ruta 577
(Federal Way – Seattle)

Inaprubahan at i-target ang mga antas ng serbisyo para sa 577 at 578 sa pagitan ng Federal Way at Seattle Kasalukuyang mga level hanggang sa may kahandaan sa operator ay humusay
Mga pangkaraniwang araw (Weekdays
Peak na oras (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi) 6-8 minuto 10-12 minuto
Kalagitnaan ng araw (9-3 ng hapon) 15 minuto 30 minuto
Gabi (7 – 10 ng gabi) 30 minuto 30-60 minuto
Malalim na gabi (paglampas ng alas 10 ng gabi) 30 minuto 30 minuto
Sabado at Linggo 15 minuto 30-60 minuto

Ang isang talaan na nagkukumpara sa kasalukuyang level ng serbisyo at kahandaan ng operator at inaprubahang antas ng serbisyo para sa Ruta 577

Ruta 590 ( Tacoma – Seattle)

Ruta 590 ( Tacoma – Seattle) – kasalukuyang nag o operate kada 10 minuto sa mga peak na oras

A satellite map showing Route 590  bus services from Tacoma to Downtown Seattle.
Ang mapa ng satellite na nagpapakita ng mga serbisyo ng Route 590 mula Tacoma papuntang Downtown Seattle.

Ang talaan na nagpapakita ng inaprubahang target na antas ng serbiyo para sa Route 590 at Route 594 sa mga peak na oras ng mga pangkaraniwang araw (6-9 ng umaga at 3 – 7 ng gabi) na 6-9 na minuto, habang sa kalagitnaan ng araw (9-3 ng hapon) na 15minuto, sa mga gabi (7 ng gabi – 10 ng gabi) ay 30minuto, huling bahagi ng gabi (pagkatapos ng alas 10 ng gabi) ay 30 minuto at tuwing Sabado at Linggo o weekend ay 15minuto. Ang talaan ay nagpapakita din ng kasalukuyang service level operator availability sa mga peak na oras (10minuto), sa kalagitnaan ng araw(30 minuto) mga gabi , ( 30 minuto), huling bahagi ng gabi (30 minuto) at weekend (30minuto)

Ruta 590
(Tacoma – Seattle)

Inaprubahang at i-target ang mga antas ng serbisyo para sa 590 at 594 sa pagitan ng Tacoma at Seattle Kasalukuyang mga level hanggang sa may kahandaan sa operator ay humusay
Mga pangkaraniwang araw (Weekdays
Peak na oras (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi) 6-9 minuto 10 minuto
Kalagitnaan ng araw (9-3 ng hapon) 15 minuto 30 minuto
Gabi (7 – 10 ng gabi) 30 minuto 30 minuto
Malalim na gabi (paglampas ng alas 10 ng gabi) 30 minuto 30 minuto
Sabado at Linggo 15-30 minuto 30 minuto

Ang isang talaan na ikinukumpara ang kasalukuyang level ng serbisyo at kahandaan ng operator at inaprubahang target na antas ng serbisyo ng Ruta 590.

Ruta 592 (Dupont/Lakewood – Seattle)

Ruta 592 (Dupont/Lakewood – Seattle) – kasalukuyang nag o operate kada 30 minuto

A satellite map showing Route 592 bus services from DuPont and Lakewood to Downtown Seattle.
Ang mapa ng satellite na nagpapakita sa mga serbisyo ng Route 592 na bus mula Dupont at Lakewood patungong Downtown Seattle.

Isang talaan na nagpapakita ng mga peak na oras sa mga pangkaraniwang araw (6-9 ng umaga at 3 – 7 ng gabi sa inaprubahang target level na serbiyo para sa Route 592 sa pagitan ng Lakewood/Dupont at Downtown Seattle na 20minutong kaibahan sa kasalukuyang service level operator availability ng 30minuto.

Ruta 592
(DuPont/Lakewood – Seattle)

Ruta 592 (Dupont/Lakewood – Seattle) – kasalukuyang nag o operate kada 30 minuto Kasalukuyang mga level hanggang sa may kahandaan sa operator ay humusay
Mga pangkaraniwang araw (Weekdays
Peak na oras (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi) 20 minuto 30 minuto

Ang isang talaan na ikinukumpara ang kasalukuyang level ng serbisyo at kahandaan ng operator at inaprubahang target na antas ng serbisyo ng Ruta 592.

Mga ruta na may pagbabago sa pagkakahanay

Ruta 580 (South Hill – Puyallup)

Ruta 580 (South Hill – Puyallup) – sa kasalukuyan ay nag o operate lamang sa pagitan ng South Hill at Puyallup Station ( Lakewood hanggang South Hill at Puyallup Station (Lakewood papuntang South Hill na seksiyon ay sinuspinde) at may kasamang binawasang mga biyahe

Ang Ruta 580 pangunahing nagsisilbi bilang shuttle sa malayong parking lot ng sounder (Red Lot at South Hill Park-and-Ride) kapag ang lote sa Puyallup Station ay puno. Pagkatapos na buksan ang bagong Puyallup na may 500 – espasyo na garahe sa dumarating na huling bahagi ng taon at ang kanugnog na paradahan ay dumami ang kapasidad , halos ng mga ruta 580 ay papalitan ng Pierce Transit Ruta 400, na tumatakbo na kahanay ng Ruta 580.

Sa pagko konsolida at pagaayos sa mga serbiyong ito, ang Sound Transit at Pierce Transit ay mapapanatili ang koneksyon sa pagitan ng Puyallup at mga local pasilidad na paradahan habang tayo ay naglilipat ng mga bus operator sa ibang mga ruta na may maraming numero ng mga kanselasyon.

Sa karagdagan nito, ang seksiyon sa pagitan ng Lakewood at South Hill ay aalisin. Ang rutang seksiyon na ito ay pangunahing kinukonekta ang mga mananakay sa mas maiksing byahe ng Sounder na tumatakbo sa pagitan ng Tacoma at Seattle. Ang mga Rutang 592 at 594 ay nag a-alok ng serbisyo sa pagitang ng Lakewood, SR 512 Park and Ride at Seattle.

A satellite map showing Route 580 bus services between South Hill and Puyallup Station. The map also shows proposed service route elimination from South Hill to Lakewood.
Ang mapa ng satellite na nagpapakita sa mga serbisyo ng Route 580 sa pagitang ng South Hill at Puyallup Station. Ang mapa ay nagpapakita din ng iminungkahing pagtanggal sa serbisyong ruta mula sa South Hill papuntang Lakewood.

Ang talaan ay nagpapakita ng peak hours sa mga pangkariwang araw (6 -9 ng umaga) at (3 – 7 ng gabi) at listahan ng mga iminungkahing pagbabago sa Route 580. Ang mga pagbabago ay kasama ang mga operasyon ng mga piling byahe lamang , halos ng mga Sounder train ay matatagpuan sa pamamagitan ng ST Express 580 o PT 400 sa Puyallup at eliminasyon ng seksiyon sa pagitan ng South Hill at Lakewoood.

Ruta 580
(South Hill – Puyallup)

Iminungkahing mga pagbabago sa Ruta 580
Mga pangkaraniwang araw (Weekdays
Peak na oras (6-9 ng umaga at 3-7 ng gabi) Ang takbo o operasyon ay mga piniling biyahe lamang, ang agwat sa pagitan ng Pierce Transit 400 local na mga trip. Halos ng mga Sounder Train ay magtatagpo sa ST Epress 580 o PT 400 sa Puyallup. Ang section sa pagitang ng South Hill at Lakewood ay inalis

Ang isang talaan na nagpapakita ng iminungkahing mga pagbabago sa Ruta 580 sa peak na oras sa mga ordinaryong araw.

Primary Sidebar

Kailangan mo ng tulong?

Mga katanungang Pangkalahatan ng mga Mananakay:

Telepono: 1-888-889-6368, TTY Relay 711
Email: main@soundtransit.org
Lunes - Biyernes, 7ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

AMga katanungan sa Accessibility:

Telepono: 1-800-201-4900, TTY Relay 711
Email: main@soundtransit.org
Lunes - Biyernes, 7ng umaga hanggang alas 7 ng gabi.

Tawagan o I_text ang Security 24/7

206-398-5268

Sound Transit

Ibahagi ang site na ito sa iba

Subaybayan kami

Facebook icon Twitter icon Flikr icon YouTube icon Instagram icon

Copyright ©2022 Sound Transit

participate.online, a service of EnviroIssues

Copyright 2023 EnviroIssues